Papaya on Good Morning America :)

Lighter side naman tayo ngayon.
Wala ako dito sa Pinas nung mauso yang Papaya na yan.
Kaya nung minsan lumabas ng gate nila yung binatang kapitbahay namin naka porma ng long sleeves ala-Edu style at pasigaw na na nag comment ang wife ko sa kanya na “ang gwapo parang si Edu” na  sinabayan naman ng sayaw ng “Papaya” ni mokong hehehe Naintriga ako..(kamot ulo)

Sabi ko ano yung papaya? sabay kwento ni Misis ..yun yung etc etc.. sa game show ni Edu..
Natuwa din ako, kaya ngayon tuwing lumalabas sa araw ng Sabado si Balong para magsimba, ako na ang nag co-comment na “wow naka papaya ka na naman!” hehe

Whats cool about papaya dance is na feature na pala ito sa Good Morning America.

Advertisements

About this entry